Nilinaw ni Andrew Schimmer sa vlog ni Ogie Diaz na hindi raw binayaran ni Coco Martin ng buo ang hospital bill ng kanyang asawa na nagkakahalaga ng 6million pesos.

Nakapag-decide si Andrew na linawin niya ito matapos siyang makatanggap ng mga masasakit na mga salita.


“Guys, hindi po binayaran nang buo ng ating kapatid na si Coco Martin ang amin pong bill sa hospital which is P6 million,” sabi ni Andrew 

"Nagbigay lang po ng konting tulong 'yung ating kapatid na si Coco Martin pero hindi niya po binayaran nang buo. Nagpahatid lang po ng tulong and for that, I am really really really grateful.” dagdag pa nito 

Paliwanag pa niya:

"Kaya ginawa ko itong correction na ito kasi marami nang nagpapadala din ng mga message sa'kin, very hurtful messages. 'Wag po kayong mag-alala guys, hindi po ako nagagalit, hindi rin sumasama ang loob ko sa inyo, nakakalungkot lang.” 

"So sana, 'wag niyo kong pagsalitaan ng masakit na salita mga kapatid, hindi po totoo 'yung inyong mga iniisip. Hindi po ganu'ng kalaki 'yung perang hawak ko po. Hindi po. Ang dami pong nagpapadala ng message na hindi magaganda, but it's okay, I understand you guys, ito ay bugso ng inyong damdamin. But again, this is not a betrayal of your trust.” 

Narito ang kabuuang interview:


4 Comments

Dont Forget to Leave a comment

Anonymous said…
Obligasyon mo yan asawa mo yan
Anonymous said…
Wow. Namn lodie napakabaitt m tlga..sana marami kapa matulongan more blessing po ddating sau
Anonymous said…
Dapat lang Hindi nya bayaran ikaw Asawa ikaw gumawa Ng paraan Hindi iasa sa ibang tao pwede tumulong Kung gusto.hindi buong bill iaasa mo!
Anonymous said…
grabe na talaga ang utak nang mga tao ngaun pati ba namn pagbbgy nng tulong nng tao naging issue….Wala nmn kasalanan yung asawa nng tao gusto silang tulungan db😢😢
Previous Post Next Post