Kinumpirma ng source ni Cristy Fermin na buntis diumano ang actress na si Aj Raval kay Aljur Abrenica. 

Buong tapang na inilahad ito ni Cristy Fermin sa kanyang show na "Showbiz Now Na" 


"Ito naman ay bibitiwan natin at ito naman ay ipupusta natin ng syento porsyento. Totoo po mga ka-chika, nagdadalang-tao po si AJ Raval" panimula Cristy

"Yung paninindigan tungkol sa pagkakaanak, alam kong lalaking lalaki si Aljur. Kaya niya yan, pananagutan niya ang kanilang produkto ni AJ. Ang nakaka-nerbyos, baka mamaya, may magsulsol kay Kylie Padilla. Hindi pa napapawalang-bisa ang kasal nila," dagdag pa niya 


"Hindi po kasi makapagsisinungaling ang mga taong malapit sa kanila, na aming source tungkol sa isyung ito. Totoo po na nagdadalang-tao si AJ. Kaya yung pelikula niyang sinimulan, hindi na itinuloy. Naaano lang ba ako, sayang 'tong batang ito," pagbubunyag pa nito 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post