Umapela ang nanay ni Jake Zyrus na si Raquel Pempemco na sana ay magparamdam na ang kanyang anak matapos pumanaw  na naman ang isang nitong tiyuhin nito dahil sa sakit.


Labis raw na nagtataka si Raquel kung bakit hindi man lang raw nakuhang tumawag ni Jake na nauna na niyang nasabi nang halos sabay na pumanaw ang lola at isa pa nitong tiyuhin noong Abril. 

Kwento pa ni Raquel hindi raw pera ang dahilan kung bakit siya umapela kundi ang kanyang presensya.


"It’s not about money… Hindi financial. Sana man lang kahit konting emotional support na, ‘Mommy, kaya mo ‘yan, huwag kang mag-aalala. Ingatan mo ang kalusugan mo’," 

"Minsan, gusto ko nang sumuko. Minsan naiisip ko, dapat ako na lang ‘yung nam*t*y dahil wala na akong silbi sa pamilya ko,"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post