Ibinunyag ni Juliana Segovia na sa panayam niya kay Ogie Diaz na in-unfriend umano siya ng mga ilang taga-showtime.


Kaya sabi niya, hindi na raw siya umaasa na maging bahagi ng pagbabalik ng Miss Q&A.

Sa nasabing panayam ay tinanong siya ni Ogie via video call kung ano ang feeling niya na hindi siya nakasama sa opening teaser ng Miss Q & A.


Aniya ine-expect niya na raw ito at hindi na siya umaasa.

“Parang in-expect ko naman na. Parang hindi na rin naman na ako umasa.” 

"Na-confirm ko kasi, nu'ng una kasi puro chika-chika lang na babalik ang Miss Q&A. So nu'ng nag-message sa'kin si Lars, tinatanong niya kung kasama ako ng Monday sa opening prod, du'n ko na-confirm na meron pala talaga na Miss Q&A na babalik. So sabi ko, 'Hindi, hindi ako nasabihan'.” 

“And then tinanong din ako ni Matmat kung kasama ako. Sabi ko, 'Hindi, hindi rin ako nasabihan.' So, sabi ni Matmat hindi nga rin siya na-advice. Hindi rin siya na-invite, parang ganu'n.” 

Naibahagi rin ni Juliana ang umanoy pag-unfriend sa kanya bg ilang taga Its Showtime.

"Pero ako kasi, parang feeling ko, hindi na rin ako umasa na magiging part ako ng season 3 kasi may ilang mga taga-showtime na in-unfriend na rin ako. Ibang mga staff, mga ano, so feeling ko hindi na rin talaga mangyayari.” 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post