Ibinunyag ng kapamilya actress na si Ivana Alawi na mabenta raw ang kanyang beauty sa Spain.

Sa kanyang vlog ibinahagi niyang marami mga lalaki sa Spain ang nabibighani sa kanyang kagandahan.

"Mukhang mabenta ako sa mga Espanyol. Gusto nila ‘yung kulay na ganito. They like tanned skin, ‘coz I got a tan from the taping. So it’s like, sold out,”sabi ni Ivana 


Sabi niya gusto raw ng mga Espanyol ang mga morena.

"Na-realize ko sa Pilipinas, gusto nila ‘yung kulay ng ate (Amira) pero dito girl, tabi! Ako na"  

Ibinahagi rin ni Ivana na napakagat-labi raw ang ilang lalaki sa kanya.

"I think, pang-Spain pala ang mukha ko, at saka ang kulay ko, mata ko. Lahat ‘day. ‘Yung mga lalake rito, para talagang gutom na gutom sa akin! Hahahaha.

"Yung mga lalaki talaga walang biro, kumakagat ng labi.

“Sabi ko, no no no. You cannot get me by biting your lips. Grabe talaga, kahit naglalakad. Oh my gosh! Lahat sila, ‘wow mamacita,’” sabi ni Ivana 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post