Usap-usapan ngayon sa social media ang pambabash ng Ex-MasterChef contestant na si Pebles Cunanan kay Judy Ann Santos matapos nitong sabihin na itigal raw muna niya ang kanyang cooking show dahil sa pagtaas ng bilihin.


Ayon kay Juday baka hindi raw makarelate ang kanyang manonood.

“Ang hirap kasing mag-isip ng mga episodes especially kung ang pagtaas ng presyo ng bilihin ay napakalala. 

"Ayokong hindi maka-relate yung viewers sa kung anumang lutuin ang gagawin ko kasi parang napaka-unfair naman.

 “Ayoko lang na parang masabihan ako na, ‘luto ka nang luto, di naman namin magagawa ‘yan,’” sabi ni Juday 

Laking gulat ng maraming netizens matapos batikusin ng dating contestant ng cooking show ni Juday na MasterChef Pinoy Edition ang naging pahayag ng actress.


Sabi niya sa kanyang post na tila galit na galit ito kay Juday: "Diskarte ghorl….mag-isip ka ng mga puede mong ipalit na ingredients juicemio….palibhasa sa mamahaling culinary school nag-aral eh….

Juday wag lang mag-base sa mga natutuhan sa culinary school. Ang pagtaas ng mga bilihin normal yan ang hindi normal yung CHEF ka tapos hindi mo alam dumiskarte ng mga puede mong gamiting ingredients sa pagluluto. 

Paano kung mumurahing ingredients ang gagamitin mo, mapapasarap mo kaya yung lugaw ni Leni…chozzzz

Tabehhhhh…..turuan kita…bet mo….aaay magaling ako magluto nohhhh…"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post