Ibinida ng actor na si Enchong Dee kung paano niya na-budget ang kanyang pera na 625 pesos na kung saan nabili niya ang pangangailangan niya sa bahay.

Sa kanyang post sa instagram, ibinahagi ni Enchong ang kanyang mga nabili.

Kabilang sa mga nabili ng actor na makikita sa kanyang post ay ang isang pirasong cronut, dalawang suman, isang bungkos ng kintsay, isang pirasong tinapay, at isang balot ng watercress.

"I’m learning to budget myself better I went to one of my favorite weekend market, nabili ko yung mga kailangan ko sa bahay at may kasama pang dessert. Lahat to sa halagang ₱625," sabi niya


"Sharing your #budgetarian moves can help ease the inflation we’re all experiencing. Let me know how you guys spend your hard earned money pagdating sa grocery," dagdag niya.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post