Buong tapang na ibinulgar ng actress na si Cherry Pie Picache kung paano magselos ang boyfriend niyang si Edu Manzano.

Sa vlog ng actor na si Luis, ay guest niya ang kanyang amang si Edu at su Cherry Pie. 


Sa nasabing vlog tinanong ni Luis si Edu ng : "Lately ba nagselos si tita Pie sa kahit anong bagay?"

Sumagot naman si Edu ng “Aba siyempre. Hindi mo naman maaalis saakin yun e diba. Bagamat hindi ako guwapo, charming naman…”  

Maya-maya lang ay tinanong rin ni Luis si Cherry Pie kung nagseselos ba rin si Edu. 

"Tita Pie si daddy ba nagselos kamakailan?" tanong ni Luis kay Cherry Pie at di mapigilang matawa ang actress 

"Meron! Meron! Ito, eksklusibong eksplosibo. Si daddy ba ang selos niya, ako kunware seloso ako pero yung gusto ko yung nilalambing lang… ganun ganun ba si daddy tita Pie?" sabi pa ni Luis 


“Oo, gusto niya ng assurance… Tapos ano, hindi magsasalita yan, mararamdaman mo nalang…” kwento ni Cherry Pie 

"Minsan nalang, pinapairal mo nalang yung iyong nararamdaman. Hindi na kailangan laging always in a form of words." paliwanag naman ni Edu  

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post