Very open ang actress na si Angeline Quinto na makilala ang anak ng kanyang na si Nonrev Daquina. 


Bago pa man magkaroon sila ng relasyon ay mayroon ng mga anak si Nonrev. Ayon sa ulat dalawa raw sa una at isa naman sa pangalawa.  

Sa isang interview, ibinunyag ni Angeline na open siyang makilala ang mga anak ni Nonrev.


“Ako, open ako sa ganoon. Mas gusto ko yun,” sabi ni Angeline

"Sa ngayon, wala pa akong nami-meet sa kanila. Pero napapag-usapan na namin ni Nonrev. Ako, okay ako sa ganoon. Kung makilala ko po ang mga anak niya, mas mabuti po sa akin. Alam ko na darating yung time na makikilala rin ni Sylvio 'yung mga kapatid niya."dagdag pa niya


Samantala, sinabi ni Angeline na ayaw niya munang sundan si Sylvio pero umamin siya na hindi sila gumagamit ng birth control ni Nonrev.

"Kung mabibigyan ulit ng isang blessing pa, di ba, na kasunod ni Sylvio, why not? Ako naman, lahat ng mga babies talagang blessing iyan," kwento ni Angeline

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post