Matapang na inamin ng actress na si Andrea Brillantes na nadiagnose siya ng Congenital Anosmia isang kondisyon na kung saan walang kakayahang makaamoy ang isang tao mula ng itoy isinilang.


Ikinuwento ni Andrea sa vlog ni Karen Davila na napagtanto raw ng kanyang pamilya na wala talaga siyang maamoy nang sinubukan umano siyang utotan ng kanyang ama at wala umano siyang naging reaksiyon dahil wala talaga siyang naamoy. 

Kahit may ganoon siyang kondisyon ay mahilig din daw si Andrea sa mga pabango.

Nagpatulong raw siya za kanyang ate o di kayay boyfriend kaugnay sa ibat-ibang amoy.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post