Tinalakan ng kilalang komedyante at vlogger na si Ogie Diaz ang rapper na si Skusta Clee kasunod ng isyu nila ni Zainab Harake.

Pinagsabihan ni Ogie si Skusta na huwag idamay ang anak nila ni Zainab na si Bia. Aniya dapat maging responsableng ama si Skusta.


“Sana lang pag gumawa ka ng bata o gumawa ka ng responsibilidad, panindigan mo. Itong kay Skusta, kung galit man siya kay Zeinab, kay Zeinab siya galit dapat hindi doon sa bata,” aniya.

“Dapat walang kinalaman ang bata, inosente ang bata para idamay. Gawin mo pa rin ang responsibilidad mo bilang ikaw naman ang ama ng bata," dagdag niya.

“Dapat hindi lang kanta ang pinaninindigan natin. Hindi lang kanta o 'yung mga lyrics na ginagawa sa mga kantang ginagawa natin ang isinasapuso natin, pati sana yung responsibilidad natin bilang ama, bilang magulang ng bata,” sabi pa niya.

Samantala sa vlog ni Ogie ay tila kinampihan nito si Zainab sa isyu nila ni Skusta.


“Gusto ko lakasan mo ‘yung loob mo pero at the same time, dapat nagma-mature na tayo lalo na at mayroon na tayong ipinaglalaban.

“Kung talagang wala nang pagmamahal, hayaan mo na siya. Marami namang nanay na kayang panindigan ang kanilang anak. Kung gusto niyang makita ang anak niya, e di pagbigyan mo.

“Wag mo lang idadamay yung relasyon ng bata sa kanyang ama. Wag mong i-deprive ng pagmamahal ng tatay ang bata. Wala 'yang kinalaman, inosente yan. At sana pareho kayo na mapalaki n’yo nang maayos ang bata,” sabi ni Ogie

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post