Talagang di mapigilang supalpalin ng komedyanteng si Ogie Diaz ang kanyang basher na naintriga sa kanyang viral post na kung saan magpapicture siya sa isang mamahaling sasakyan.

Nagviral kasi kamakailan lang ang nasabing post ni Ogie at ngayon ay ipinaliwag niya na wala siyang Lamborghini at iphone charger ang kanyang nabili. 
 

"Wala po akong Lamborghini. Sineryoso ng iba. Di nila binasa hanggang ending yung post ko, huhuhu! 

"Iphone CHARGER po ang binili ko. 

Nasa parking lot po ako niyan. Sa Las Vegas. Nag-choose lang po ako ng sasakyang didikitan. Tumabi po ako sa magarang sasakyan na kulay green. Tapos kung isu-zoom in nyo ang pic sa kamay ko, hawak ko po yung charger." Paliwanag ni Ogie
 
Ngunit ang kanyang nagviral na post ay ibinahagi rin ng isang online news site. At nakita niya sa comment section ang komento ng isang netizen.

Sabi ni Ogie "May pumukaw lang ng atensyon ko sa comment section ng post ng Kami. Itong si kagandahang Sarah Avancena. And to quote her:


“Tama ka lutang na lutang ang kulay nga napili mo, pasalamat ka sa viewers mo sa iyong you tube nga tinangkilik nila kong wala sila hindi ka makabili ng ganyan sasakyan.. kaya pasalamat ka sa subscriber mo ilong, sunod mong iparetoki mo ang ilong mo.. para lalo kang maging guapa..”

Dito na tila naintriga si Ogie at binanatan niya ang basher dahil sa komento nito tungkol sa kanyang ilong.

Sabi ni Ogie "Ok. Hindi na ako magko-concentrate sa kab*b*hang umintindi, doon na lang ako dadako sa gusto niyang magparetoke ako ng ilong. 
 
"Ateng, okay yung suggestion mo na magparetoke ako ng ilong kung feeling mo eh yung ilong mo ang batayan ng magandang ilong. 

"Napa-stalk tuloy ako sa mga posts mo na mas madalas ka pang magpalit ng profile pic kesa mag-post ka ng mga concerns mo sa lipunan.

"So after my thorough evaluation, napabuntong-hininga na lang ako. 

"So, ganito, Sarah… ‘wag kang nagsa-suggest na “magparetoke ako ng ilong” kung may kapareho din akong ilong sa miyembro ng pamilya mo.  

"Baka magtampo sila sa yo. Sa ilong ng ibang tao, concerned ka. Tapos, sa ilong nila, hindi. 

"Tingin muna sa salamin, teh. O kung walang salamin, tingin din sa loob ng pamamahay mo, baka mas kailangan nila ng suggestion mo kesa kailangan ko. 

"Saka ang kinis mo sa profile pic mo, teh, ha? Anong filter app yan? 

"Actually, sa sobrang ganda mo, gusto kitang regaluhan ng manika at karayom."

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post