Ikinasal na rin sa wakas ang magkasintahang Aubrey Miles at Troy Montero matapos ang 18 years nilang pagsasama.

Ikinasal ang dalawa sa isang civil ceremony nito lamang June 9 at si Mandaluyong Mayor Carmelita “Menchie” Abalos ang nagkasal sa kanila. 


Base ito sa post na ibinahagi ng showbiz reporter na si Gretchen Fulido. 

Maalala na nagpropose nito lamang Marso si Troy kay Aubrey.

Sa ngayon ay wala pang official na mga larawan na ibinahagi sina Troy at Aubrey sa kanilang social media accounts.

Panoorin dito ang video na ibinahagi ni Gretchen.



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post