Naglabas na ng kanyang prangkang reaksyon ang beteranang columnist na si Cristy Fermin sa rumor na umanoy buntis si Julia Montes.

Sa kanyang radio program, ay naging topic ang tungkol sa mga "marites" na naniniwalang nagdadalangtao si Julia dahil sa hugis ng katawan nito.


“Alam mo naman ngayon Romel ang mga marites. Talagang lahat napapansin na nila. Kumilos ng pakaliwa at pakanan ang mga artista, meron agad silang napapansin. Tulad ngayon, totoo raw ba, question mark naman itong kanila, tandang pananong. Totoo raw ba na nagdadalang-tao ngayon si Julia Montes at ang itinuturong ama ay walang iba kundi ang walang kamatayang si Cardo Dalisay, si Coco Martin?” sabi ni Cristy Fermin 

"Kasi daw, napansin nila sa ilang eksena ng Ang Probinsyao at mga pictorial ni Julia na may kalakihan daw ang bilbil.” dagdag pa nito 


Narinig umano ni Cristy ang nasabing rumor  nung bumisita ang cast ng Ang Probinsyano sa lamay ng yumaong si Susan Roces ngunit wala raw si Julia dito.

“Unang-una kong narinig ang kwento tungkol sa diumano, ayan po diumano ah, diumano'y pagdadalang-tao ni Julia Montes noong pumanaw si Manang Inday (Susan Roces). Nagpunta po sa ikalawang gabi ang mga artista at production staff po ng Ang Probinsyano sa lamay, wala si Julia Montes.” sabi ni Cristy 

"At may mga nagtatanong, kaya ba wala doon si Julia, bawal daw magpunta sa lamay o sa burol ang buntis? 'Yun ang katanungan.” dagdag pa niya 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post