Tila nagulat ang dating Personal assistant ni Piolo Pascual na si Moi Bien dahil sa umanoy malakas na sampal ng actress na si Pilar Pilapil kahit rehearsal palang daw.

Ang nasabing eksena ay naganap sa taping ng kanilang ginagawang teleserye.


“Sinampal na n’ya ako rehearsal pa lang at ang sakit ng kamay n’ya, ’yong totoo ha, ’yong hindi eme-eme. Talagang namula ’yung (mukha) ko," kwento ni Moi 

Kahit masakit ay biniro ni Moi si Pilar. 

“Sabi ko sa kanya, ‘Tita, bakit mo naman ako sinampal? Rehearsal pa nga lang. Wala pang sinabi si direk na take. Alam mo, tita, ang sakit. Natanggal ang mga ngipin ko,” kwento ni Moi habang tumatawa ito


"Alam mo kung anong sinabi? ‘Okey lang ’yan. Marami ka pa namang ngipin.’Bastos, e, ’no? Hahaha!”sabi pa ni Moi 

Inihayag pa ni Moi na ilang beses pa siyang nasampal ni Pilar nang kunan na ang eksena.

"Ang sakit ng kamay niya kasi ilang beses na niya akong sinampal. Hindi siya ’yung fake, ha. Totoo. Pulang-pula ’yung (pisngi) ko," dagdag niya. 

Source: BANDERA

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post