Usap-usapan ngayon sa social media ang cryptic post ng actor na si Keempe de Leon tungkol sa umanoy taong hindi man lang naka-alala sa kanya kung buhay pa ito.

Sa kanyang post sa facebook nito lamang June 11, inilahad ni Keempe ang kanyang sama ng loob sa di niya pinangalanang tao.


Sabi niya: "Mula nung nag-umpisa ang pandemia hanggang ngayon. Wala na palang ibang tutulong sayo kung di ang Diyos, Sarili Mo, Ibang tao at iilan na tunay mong kaibigan.

“At kung sino pa ang inaasahan mo.... sya/sila pa ang dedma at walang paki sayo kasi safe sila and they have everything in life!

“Ni di ka man lang maalalang tanungin kung buhay ka pa ba? kung may kailangan ka? kung may kinakain ka pa ba? kamusta kalagayan mo? kung ok ka lang ba? at kung kamusta ka?

“Ngayon ko lang napatunayan na kanya-kanya na pala talaga ngayon. Wala ng paki sayo. At least alam ko na talaga ngayon. So be it,” ayon sa actor-TV host.


Nagpost muli si Keempe ngayong araw sa kanyang facebook post at bumanat itong muli.

"Patawarin ako ng Diyos. Minsan lang ako magsalita pero sorry! Tama na! Nakakapagod at sawa na manahimik. Kitang kita naman sa ugali at pagkatao. Wag na mapagpanggap!

“Dedmahan na lang since ganyan naman gawain nyo natitiis nyo ang tao. Makakaalala lang kayo kung may okasyon???? Pero kalagayan ng tao di nyo naaalala kung ano na etc???? Talaga ba?!?!

“Salamat na lang, at masaya naman buhay nyo kita naman. Pasalamat na lang kayo lahat na sa inyo na wala kayong pinoproblema at inaalala sa araw araw. God bless na lang. Diyos na bahala sa akin wala ng iba," sabi niya 

Source:PEP.PH 



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post