Nagbigay ng prangkang mensahe ang komedyante at dating Pinoy Big Brother housemate na si Brenda Mage matapos niyang bigyan ng brand new iPhone ang kanyang boyfriend.


Sa kanyang post sa Facebook, ibinida ni Brenda ang kanyang boyfriend habang hawak ang bigay niyang cellphone samantala siya naman ay hawak ang bigay ng kanyang boyfriend na itik.

"Oh diba ang Sweet.. Binigyan ko sya ng Iphone binigyan nya ako ng pinakulob na Itik hahahahaha…. " sabi ni Brenda 

Inunahan na agad ni Brenda ang mga Marites at nagbigay ito ng mensahe sa kanila. 

"Oh mga Maritess nagbigay na ako ng iphone tama kayo gastos talaga pag manglalaki haha… " biro ni Brenda 


Kwento niya ang binigay niyang iPhone ay bahagi raw ito ng income ng kanyang noong pumunta siya sa bahay ng kanyang boyfriend. "oops Share ko yan sakanya dahil sa income ko sa Vlog nung bumisita ako sa bahay nila Labyu Gio Sta Ana" 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post