Usap-usapan ngayon sa social media sina AJ Raval at Aljur Abrenica dahil sa nagsilabasang tsismis na umanoy magkaka-baby na ang dalawa. 


Sa post ni Lolit sa kanyang instagram ay nagbigay siya ng prangkang reaksyon kaugnay sa isyu.

Ayon kay Lolit kung totoo man ang tsismis na ito ay wala na talagang pag-asa na magkabalikan pa ang mag-asawang Aljur at Kylie Padilla.

"Tutoo kaya...ang balita kila Aljur Abrenica at AJ Raval na magkakaruon na sila ng baby? Naku, ibig sabihin wala na talagang balikan sila Aljur at Kylie Padilla," ani Lolit.

"Akala pa naman ng lahat puwede pang magkaruon ng ayos ang relasyon ng dalawa dahil sa 2 nilang anak. Sayang naman dahil kahit away bati lagi naman nagkakasundo uli ang dalawa," dagdag niya.


Kung totoo ang balita, sinabi ni Lolit na dapat itong tanggapin ng publiko.

"Well, talaga siguro na ganyan ang buhay, mapaghamon talaga ang mga pangyayari. Hindi na nga siguro magkakaruon pa ng chance sila Aljur at Kylie dahil meron ng AJ sa pagitan nila. How sad para sa dalawang anak nila. Pero pareho naman silang may karapatan humanap ng ligaya kundi na sila magkasundo. We both wish them happiness, more than ever," pahayag pa ng kolumnista.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post