Sobrang natouch raw ang actress na si Ivana Alawi sa pagiging maalaga ng actor na si Gerald Anderson sa kanilang taping.

Sina Ivana at Gerald ay magkasama sa isang teleserye na family affair na A Family Affair na kung saan makakasama rin nila sina Sam Milby, Jake Ejercito at Jameson Blake. 


Ayon kay Ivana sobrang professional raw ni Gerald sa set.

Gerald is “very professional" especially during taping, nag-i-internalize siya. When he becomes the character, ang galing talaga. So, parang ako na nahiya, parang ayoko magbiro kay Gerald because he’s really professional.” sabi ni Ivana. 

Dagdag pa niya na napakabait raw ni Gerald at natotouch raw siya sa pagiging maalaga ng actor.

"Sobrang bait nila lalo na si Gerald kasi more on nakaka-eksena ko ngayon si Gerald recently. Sobrang na-to-touch ako sa sobrang pagiging maalaga niya. Kasi may scene na tumatakbo ako na parang nakapaa. Siya mismo yung nagwawalis. Sobrang bait.” 

Source: Philstar

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post