Hindi mapigilang maging emosyonal ni Kylie Versoza sa isang episode ng It's Showtime matapos siyang tanungin ni Vice tungkol sa hiwalayan.

Tanong ni Vice: "Pano mo malalaman? Pag nasa isang sitwasyon ka na parang ang bigat bigat at ang hirap hirap, pano mong malalaman kung ang sitwasyon na yun ay pagsubok lamang o isa ng sign? When do you know that it's just another a challenge or it's already a sign?"  

Ayon pa kay Vice, minsan raw hindi natatapos ang isang relasyon dahil sa hindi na nila mahal ang isat-isa.

"Hindi naman laging natatapos ang relasyon dahil naubos na ang pagmamahal mo, may mga pagkakataon na kahit meron ka pang pagmamahal, kailangan mo nang tapusin ang relasyon na ito." 


At dito na tinanong na ni Vice si Kylie. Sabi niya: "Aminin niyo, nag-iisip kayo, si Kylie parang nag-isip. May pinagdadaanan ka bang challenge or may nakikita kang sign?" 

Sa halip na sagutin niya ito, ay bigla na lang naging emosyonal si Kylie. Kaya agad itong niyakap ni Vice. 

May pinagdadaanan nga ba ang relasyon nina Kylie at boyfriend niyang si Jake Cuenca? Anong masasabi mo dito.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post