Muli na namang binanatan ng entertainment columnist na si Lolit Solis ang actress na si Bea Alonzo.


Sa kanyang post sa Instagram, ay sinasabi ni Lolit na parang mas sikat pa raw si Ana Jalandoni kaysa kay Bea Alonzo.

"Naku Salve, parang naisip ko mas sikat si Ana Jalandoni kesa kay Bea Alonzo. Imagine mo part 1 and 2 ang interview ni Boy Abunda kay Ana Jalandoni, tapos lagi pa siyang headline ng PM at PSN at iba pang tabs."

Ayon pa kay Lolit parang gusto na ras niyang magconcentrate kay Ana dahil sawa na raw siya kay Bea 


"Kaya parang mas gusto ko na mag concentrate kay Ana Jalandoni, sawa na ako kay Bea Alonzo. Saka mas mukhang yummy si Ana dahil ayaw pawalan ni Kit Thompson. Mukhang baliw sa pag ibig si Kit kay Ana eh si Bea na ghosting. Kaya now, kay Ana Jalandoni na lang ako , mas sikat pa kay Bea. "sabi ni Lolit

Dagdag pa niya: "Stop Bea Alonzo na ako, promise para hindi na sakit ulo ni Shirley Kuan kaiisip kung ano gagawin para i cancel tayong 3 nila Gorgy . Kaya Salve huwag ka nang maghanap photos ni Bea Alonzo na baka photoshop pa kaya wala masyado dahil hindi ko na siya IG. Buti pa si Ana Jalandoni, s*xy at bata pa"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post