Galit na galit na naglabas ng kanyang saloobin ang Ina ni Francine Diaz laban sa inilabas na pahayag nina Seth Fedelin at Andrea Brillantes.


Sa viral na FB post ng ina ni Francine ay inilabas niya ang galit laban kina Andrea at Seth.

“Nananahimik anak ko tigil-tigilan mo na anak ko, manahimik ka na’wag mo ko pilitin maubos pasensya ko sa inyo!!!,” panimula ng ina ni Francine na si Merdick Saenz Diaz. 

“Baka magkaalaman tayo hangga’t maaari ayaw ka patulan! Puro pang-unawa at pagpaparaya ang binigay sayo ng anak ko, namin alang-alang sa ikatatahimik ng lahat sa tuwing nababash ka, kayo lagi ninyo dinadawit ang anak ko. Hindi porket hindi kami sumasagot at kumikibo hindi ibig sabihin na OK LANG SA AMIN!! WAG AKO ANDREA BRILLANTES!” 


Pinuna rin niya ang pagtatanggol ni Seth kay Andrea.

“At ikaw Seth sana ganyan din ang ginawa mong pagtatanggol sa anak ko ng nadamay sayo kung talagang tinuturing mong kaibigan anak ko! 

“Na walang ginawang masama sa inyong tatlo na pinakisamahan kayo nang maayos at totoo pero ano ginawa n’yo!,”  

Matapos nito ay binanatan muli niya si Andrea.

“ANDREA BRILLANTES GALIT NA GALIT KA SA ANAK KO!! na wala naman ginawa sayo! Ikaw nag-umpisa ng sasabihin mo sasagutin ko lahat ng sasabihin mo ngayon sa social media SOBRA KA NA!! 

“Hindi na ako papayag na lagi mo na lang binubully anak ko kayo! Sinong nanay at magulang na papanoorin mo na lang na lagi inaaway at binubully anak ko! Lahat ng pang-unawa at pag-iwas ginawa namin sayo, sa inyo!! Alam n’yo ‘yan!,” 



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post