Talagang di mapigilang supalpalin ni Real Life Darna Angel Locsin ang basher na bumabatikos sa pagbabakasyon niya sa Boracay.


Sabi ng basher kay Angel: "yung anti duterte ka tas binabash mo ung proj nya sa boracay pero nagpunta ka don. Nagposing posing pa HAHAHAHAHAHAHAHAH aguy na buang ang darna nyo." 

Hindi nakatiis si Angel at sinagot niya ang nasabing basher.

Aniya hindi niya kailanman pinuna ang rehabilitation project ni Pres. Duterte sa Boracay noong 2018.


Ayon pa kay Angel, sa pagkakaalam niya ay pag-aari pa rin naman ng buong Pilipinas ang Boracay kaya bukas ito para sa lahat ng Pilipino. 

"aguy...una, kelan ko binash??? [laughing emoji] and last time I checked, pag aaari pa naman ng buong Pilipinas ang bora, punta ka rin!"sabi ng actress 



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post