Binasag narin sa wakas ng actress na si Andrea Brillantes ang kanyang katahimikan tungkol sa totoong namamagitan nila ni Seth Fedelin.


Sa kanyang live sa Instagram, inamin ni Andrea na naging boyfriend niya si Seth. Bago niya ito inamin ay pinasalamatan muna niya ang actor.

"First, I would like to say thank you kay Seth Fedelin for speaking up. Thank you, Ali dahil kahit hanggang ngayon, hindi mo pa rin ako pinabayaan," sabi ni Seth 

"Alam ko na, these past few months, ay napakahirap para sa atin, para sa ating dalawa, para sa ating lahat and I have mad respect for you dahil kinaya mo pa rin akong ipagtanggol kahit alam kong gustong gusto mo na rin magsalita." Dagdag pa ni Andrea 


Ayon pa kay Andrea, naghiwalay na raw sila ni Seth noon pang nakaraang taon.

"We broke up last year. Early October yun and it was a painful breakup but it was a mutual decision, yung paghihiwalay namin" pagbubunyag ni Andrea 

Sabi pa niya in good terms raw sila ni Seth sa kabila ng kanilang hiwalayan.

"We both loved each other truly and deeply, we've learned so much from each other but in the end we realized na we weren't growing as individuals na. Lahat ng fake news at pag-a-assume niyo sa nangyari sa relasyon namin ay hindi po totoo yun. We ended on good terms at yun naman ang importante." sabi ni Andrea 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post