Ibinunyag ng komedyanteng si Ogie Diaz sa kanyang latest showbiz update vlog na hindi raw gaano ka-close si Toni Gonzaga kay Bea Alonzo at Angel Locsin kaya wala raw ito sa viral photo ng magkaka-ibigan.


"Actually tinatanong 'yan sa isang tweet. Bakit daw wala si Toni? Sinadya bang wala doon si Toni?"sabi ni Ogie 

Ang nasabing viral photo ay ang ibinahagi nina Angel at Dimples Romana kamakailan lang na masayang bonding kasama sina Angelica Panganiban, Bea at Anne Curtis.

"Ang pagkakaalam ko hindi naman sila 'yung sobrang close," dagdag ni Ogie.

"Dati nagkakabisistahan na sila. Kaya lang may picture-taking dahil marami na sila, kumpleto yata sila," kuwento pa niya.


"Pero si Toni Gonzaga kasama sa barkadahan nina Angelica Panganiban, Angel Locsin, Dimples Romana, Bea Alonzo, at Anne Curtis? Hindi!" chika pa niya.

Sa kabila nito, ay ninana-is ni Ogie na sana ay tigilan na ang pang-iintriga kay Toni. 

"Huwag na nating pag-isipan pa 'yan. 'Pag nakakakita tayo ng mga ganito kalalaking artistang magkakasama sila, ibig sabihin, walang arti-artista sa kanila. Lahat sila magkakaibigan at marami namang ganyan. 'yung iba hindi lang nila pini-picturan dahil 'yung iba, ayaw lang nila ng intriga," paliwanag pa niya.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post