Emotional na inalala ng kapamilya singer at Magandang Buhay host na si Regine Velasquez ang pagiging 'third party' niya noon sa relasyon nina Ogie Alcasid at dati nitong asawa na si Michelle van Eimeren.


Ayon kay Regine, pinagsisisihan niya ang bagay na ito pero hindi raw niya intensiyong manakit ng damdamin ng ibang tao. 

Hindi rin daw niya sinadyang mahulog ang kanyang loob kay Ogie.

"My husband and I started that way, pero yun kasi, we were good friends. Hindi ko naman sinasadya.

"Kasi puwede rin namang mangyari rin talaga yun, e, na, kagaya ng sinabi mo na, hindi mo naman pinipili yung mga mamahalin mo, e. 

"Hindi mo naman... parang, gusto ko bang sadyain yun, gusto ko ba na merong masaktan, di ba? May mga matitinong tao na hindi naman yun ang iniisip nila. It's just that sometimes it happens.” 


Inilahad din ng actress na wala raw siyang alam kung anong nangyari sa relasyon nina Ogie at Michelle.

 "Meron sa hindi ko alam kung anong nangyayari sa marriage nila at that time.

"I don't know kasi hindi naman ako kasali doon, e. But it happened.

"But I just have to say, it was so difficult. And if I can bring back the time?


"I love my husband, but if I could bring back the time, siguro mas gugustuhin ko na wala kaming nasaktan.

"Na walang dalawang bata na nag-suffer because we wanted to be together." 

Panoorin dito ang buong video:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post