Pinapahanap na ngayon ni Melai Cantiveros ang basher na kung saan tinawag siyang magnanakaw at dinamay pa nito ang kanyang mga anak.


Base sa screenshot ni Melai, inakusahan ang tv-host na magnanakaw at galing rin daw sa nakaw ang kinakain ng kanyang mga anak.

Kaya naman sa kanyang post sa instagram ay nanawagan ang actress na ipahanap ang nasabing basher.

"Nananawagan po ako kung nasaan ang taong itu nang masampahan ng nararapat legal na aksyun, Paki PM po ako, Maraming Salamat, Matigil na ang mga pang haharass na tu.”  


Ibinandera din ni Melai ang picture ng nasabing basher: "At para sayu na nasa picture na yan PAPAHANAP KITA KAHIT SAAN KA MAN TANDAAN MO YAN.”  

"Nananawagan dn ako sa mga #LawyersForLeni " dagdag pa ni Melai 

Narito ang kanyang post ni Melai( Swipe left para makita ang screenshot na sinasabi ng basher)

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post