Pormal ng nagsampa ng reklamo ng actress na si Melai Cantiveros laban sa basher na tumawag sa kanyang magnanakaw at dinamay pa pati ang kanyang anak.


Sa post niya sa kanyang Instagram stories, ibinahagi ng actress ang larawan ng kanyang complain na isinumite niya sa NBI.

Wala namang binanggit si Melai kung ano ang kaso na isasampa niya sa nasabing basher.



Maalala na kamakailan lang ay nanawagan si Melai sa kanyang mga fans na hanapin ang netizen para aniya ay masampahan ng mga kaukulang kaso.


"Nananawagan po ako kung nasaan ang taong itu nang masampahan ng nararapat legal na aksyun," ani Melai sa Facebook post.

"Paki PM po ako Maraming Salamat Matigil na ang mga pang haharass na tu," dagdag niya.

"At para sayu na nasa picture na yan PAPAHANAP KITA KAHIT SAAN KA MAN TANDAAN MO YAN. Nananawagan dn ako sa mga Lawyers for Leni," sabi pa ni Melai 




Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post