"Bakit headline to?..lang kwenta naman.." 

Talagang di mapigilang magreact ng kapamilya star na si Kim Chiu matapos nabalita ang pagkapuyat niya dahil kanonood ng Tiktok videos kaugnay sa digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine na ibinahagi niya kamakailan sa kanyang Insgram Story.


"Yung napuyat ka kakanood ng videos about Russia and Ukraine. Wala lang, gusto ko lang magets. Now I know. Grabe pala. In fairness sa TikTok dami mong makukuhang info, news and all (clapping hands). La lang share ko lang. Baka madami din curious about it like me.” sabi ni Kim sa kanyang Ig story 

Nagviral ang nasabing Ig stories ni Kim, at umani ito ng samut-saring reaksyon.


Sa kanyang panibagong Ig story, ibinahagi ni Kim ang post ng News na kung saan naka-headline ang nasabing IG story.

Medyo nagtataka si Kim kung bakit raw ito naging headline dahil wala naman daw yung kwenta.

“Bakit headline ‘to???! Parang di dapat, lang kuwenta naman! Shinare ko lang sa umaga! Like usual. Mali ba?" sabi ni Kim 




Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post