Inamin ng beteranang columnist na Cristy Fermin na nairita raw siya kay Kris Aquino dahil sa request nito sa isang fan page na huwag raw magkomento ng red heart emoji kundi yellow o di kaya ay pink lang.


Sa kanyang latest episode ng Cristy Ferminute ay naglabas ng kanyang reaction si Cristy Fermin.

"Bakit meron pa siya ngayon na ayaw niyang gumamit ng pula emoji 'yung mga sumasagot sa kanya?.

“Ang gusto niya yellow tsaka pink. Alam mo Ineng, ayan tuloy, anong sabi sa 'yo ng mga tao? 'Yang may sakit ka na nga, napaka-bitter mo pa rin. Asikasuhin mo na lang 'yang pagkakasakit mo'. 

“Nakakairita. Kasi mula sa pagkaawa, mula sa pagdarasal para sa kanyang maagang paggaling, eh ganito lang naman pala gagawin niya. Pati red emoji eh papansinin niya para maging dilaw at maging pink.  


"Tama 'yung sinabi, bitter ka pa rin hanggang ngayon samantalang may sakit ka na nga, 'di ba?" 

"Ang pakialaman mo 'yang BP mo, 'yang mga allergies mo, 'yang kung maayos na maayos ka na para after 14 days, makalipad ka na papuntang Amerika para sa matinding gamutan. Eh kung pati ang mga kulay ng mga puso, mga emo-emoticon na 'yan eh pakikialaman mo pa, baka black heart ang ibigay sa 'yo ng mga taong naiinis.” 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post