Kinakiligan ngayon ng maraming netizens ang sweet na birthday message ni Ion Perez para sa kanyang "asawang" si Vice Ganda.


Sa Ig story ni Ryan Bang ay ibinahagi nito ang pagbati ni Ion kay Vice.

 Sabi ni Ion: "Araw-araw naman niyang naririnig sa akin ito kasi sa tuwing magdarasal kami, lagi kong ipinagdarasal talaga na bigyan pa kami ng mahabang panahon para magsama.


“At siguro, ang masasabi ko sa 'yo, babe, paulit-ulit kitang pipiliin. Kahit sa kabilang-buhay, baka ikaw yung piliin ko pa rin.

“Ang maipapangako ko lang, yung buong pusong pagmamahal ko sa 'yo at tapat.

"Yun lang, babe.Thank you, babe, I love you."

Si Vice ay nagdiwang ng kanyang ika-46th birthday ngayong araw.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post