Naglabas na ng kanyang prankang reaksyon ang ama ni Carla Abellana na si Rey "PJ" Abellana kaugnay sa umanoy pakikipag-one night stang ni Rom Rodriguez.


Sa kanyang guesting sa show ni Cristy Fermin ay sinabi niyang nag-open up raw si Tom sa kanya tungkol sa pakikipag-one night stand.

Aminado rin siya na naranasan niya rin ang ganito noon.

"One night stand? Inaamin mo na nagkaroon ng one-night stand si Tom with another girl," tanong ni Fermin kay Rey 

Tumawa lang si Rey at sinabi niyang: “Inaamin ko na 'yan bilang ako, lalaki ako. Ako, way back, nangyayari din po iyan sa akin. E, medyo normal po iyan sa buhay ng mga lalaki.


“Kaya naiintindihan ko po 'yan. Ang nangyari sa tukso ay hindi po mortal sin para sa akin. Bilang isang totoong tao, natural na tao lang po ang nangyayari sa ganyang bagay, natural sa buhay 'yan 'di po ba.”  

“Oo, hindi krimen agad agad na maja-judge,” sabi ni Fermin

“May kasabihan nga po na ang isang tao ay mabibilanggo depende po sa bigat ng krimen. Kung mababaw na krimen at hindi po kinukulong iyan.”

 “Pero kung mabigat na krimen ang kanyang atraso, iyon po ay ipakulong ang tao.” 

Panoorin dito ang video sa tatak na 52:56.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post