Viral ngayon sa social media ang convo nina Xian Gaza at Marlou Arizala o mas kilala bilang Xander Ford na kung saan humihingi ng tulong si Xander kay Xian.

Sa kanyang post sa facebook, ay ibinahagi ni Xian ang convo nila ni Xander.

"Boss, buhay pa po ako, baka may patrabaho po kayo diyan. Miss you Boss Xian,” mensahe ni Xander kay Xian

“I miss you too. Kamusta na? Long time. Dalhin kita sa Ukraine.”pabirong sagot ni Xian sa mensahe ni Xander sa kanya 

Sa kasalukuyan ay may hindi magandang nangyayari sa pagitan ng bansang Russia at Ukraine, subalit batay sa reply ni Xander ay hindi niya na-gets ang biro ni Xian.

“Sige lang boss, makapag-work lang, pantustos sa pamilya ko,” reply ni Xander kay Xian 

Agad naman binawi ni Xian ang kanyang biro kay Xander.

“Joke lang yung Ukraine, may gyera ngayon doon. Anyway? Ano na ba pinagkakaabalahan mo ngayon sa buhay?” 

At hindi na ibinahagi pa ni Xian ang kanilang sumunod na pag-uusap.




Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post