Binasag narin sa wakas ng Talent Management ni Andrea Brillantes na Becky Aguila Artist Management ang kanilang katahimikan kaugnay sa viral na larawan nito kasama sina Kyle Echarri at Darren Espanto.


Nilinaw ng management na ang litratong ipinakalat ng ilang netizens ay nakuhanan matapos ang isang vlog shoot kung saan kasama rin nila si dating child star Xyriel Manabat.

Sinabi rin sa pahayag na matagal nang magkakaibigan sina Blythe, Kyle at Darren at komportable sila sa isa't isa. Nagselfie lang raw ang tatlo at wala nang iba, taliwas sa mga iniisip ng ibang netizens na malisyoso ang pag-iisip.


Kinondena naman ng naturang management ang anumang panghuhusga sa kanila ng netizens at umabot pa sa paggawa ng mga tsismis na nakakasira sa reputasyon ng kanilang alaga.

Siniguro ng management na patuloy pa ring babantayan ang nasabing bagay upang matapos na ang isang hindi pagkakaunawaan sa nasabing larawan.

Source: Becky Aguila Artist Management Note: Deleted na po ang statement na ito


1 Comments

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post