Muling naaresto si Pilipinas Got Talent Finalist Mark Joven Olvido sa isang buy bust operation sa Sta. Rosa, Laguna nitong February 18, 2022.


Ayon sa artikulo ng Pep.ph nasakote si Olvido,  makaraang bentahan umano ng P500 halaga ng sh*bu ang poseur-buyer cop nitong Biyernes ng gabi.

Maliban sa marked money, nakumpiska sa suspek ang P85,000 halaga ng sh*bu.

Binabantayan ng mga awtoridad si Olvido ng muli umano itong magbenta ng pinagbabawal na gamot ilang buwan matapos itong makalaya sa kulungan.

Maalala na noong Mayo 14,2021 unang inaresto si Olvido habang pumapasada ng tricycle sa Brgy. Duhat, Sta. Cruz, Laguna na walang lisensya. Nakuha sa kanya noon ang 


Nang sitahin si Olvido ng pulis, naging arogante siya sa pagsagot kaya natuklasan ang sh*bu na dala niya na nakalagay sa sachet at nagkakahalaga ng P2,000.

Agad namang nakalaya si Olvido nang sumailalim siya sa probasyon dahil sa plea bargaining agreement.

Ngunit may posibilidad na hindi na siya payagan ngayong makapagpiyansa para sa pansamantalang kalayaan dahil sa pagsuway niya sa plea bargaining agreement noong 2021.



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post