Nagbigay na ng reaksyon ang mister ni Yeng Constantino sa naungkat na panliligaw noon ni Ryan Bang sa kanyang asawa.


Nangyari ito sa isang segment ng It's na Tawag ng Tanghalan na kung saan nagkaroon ang closure ang dalawa.

Ayon kay Yeng, nagulat raw ang kanyang mister sa rebelasyong iyon sa Its Showtime.

 "Nagtanong siya, 'Mayroon palang ganyan, bakit di mo sa akin naikuwento?' sabi ni Yeng ng nakapanayam siya ng PEP.ph sa virtual media conference ng collaboration nila ni Gloc-9 na may titulong "Paliwanag" ng Universal Records noong February 16, 2022. 


"Kasi may mga nakukuwento ako sa kanya, pero yung kay Ryan, never kong naikuwento sa kanya. Siguro nawala lang sa isip ko kaya di ko naikuwento." Dagdag pa niya

Ayon pa kay Yeng, hindi raw naging isyu sa kanilang mag-asawa ang nasabing rebelasyon.

"Naki-empathize siya kasi nakita niya yung dalawang araw na interview ni Vice sa amin. Sabi niya, 'Grabe, ang hirap pala ng pinagdaanan ninyo, 'no? Naiintindihan ko.' 

"Naintindihan niya. Hindi naman seloso ang asawa ko, e. Sobrang trust niya talaga ako." 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post