Matapos ang kanyang Pinoy Big Brother stint ay matatawag na maswerte si Madam Inutz dahil nagkaroon agad si ng proyekto sa kapamilya network na kung saan makakasama niya si Piolo Pascual.

At ngayong nagsimula na ang lock-in taping ng show ni Madam Inutz sa Kapamilya Network ay di niya maiwasang kabahan at kiligin nang ma-meet niya ang bida ng programa na si Piolo Pascual.

Sa picture na ipinost niya sa Facebook kasama si Papa P. ay parang kinikiliti sa excitement si Madam.

"MGA INUTZ, LOOK OH...PAPA P PINAGPAPATASYAHAN KO LANG ITO DATI NUNG DALAGA PA AKO NGAYON KASAMA KO NA SA MGA GANAP SA EKSENA,"caption niya.


"DIREK, OKS NA OKS PO SA AKIN ANG MAY BED SCENE. CHAROT LANG KASI HAROT LANG INUTZ ETO ANG NGITING TAGUMPAY," dagdag ni Inutz.

Maliban kay Piolo, kasama rin ni Inutz sa show na dinirek ni Cathy Garcia-Molina sina Angelica Panganiban, Pepe Herrera, Katya Santos, at Frenchie Dy.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post