Simple lang ang kahilingan ng Queen of All Media na si Kris Aquino para sa kanyang darating na birthday.


Yun ay ang ipagdasal siya ng kanyang fans at sa taong hindi na niya pinangalanan. Ayon pa kay Kris, mas kailangan raw niya ngayon ng dasal kaysa regalo.

“Thank you for being so kind, generous to me but super okay lang as much as I appreciate the balloons, flowers, cakes, the fruits, the food I’m receiving, your PRAYERS are what we really want, need,” aniya.

“Best birthday gift you can give me — PLEASE DON’T spend more money on me, NAKAKAHIYA and I feel insensitive to the needs of our fellow Filipinos,” aniya.


“Alam ko how much food costs have gone up plus ang mahal ng flowers kasi nga Valentine Season," dagdag niya.

“But the fact alone na all my prayers now, hindi para sa ‘kin, and I’m asking you to do the same — na siya muna and ipagdasal niyo. PLEASE REALIZE HOW MUCH THIS MATTERS TO ME,” sey pa ni Kris.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post