Hinamon ng sampalan ni 2018 Miss Q and A ng Its Showtime na si Juliana Segovia ang kapwa niya artista na pinagbantaan siyang sasampalin kung magkita sila sa personal.


Sa kanyang post sa Facebook, ay umalma siya sa banta ng kapwa niya artista na hindi na niya pinangalanan.

Sabi niya: "Sa ibang nakasama at naka trabaho ko…Ok lang po kht personal ang atake nyo sakin..

"Nauunawaan ko po kayo..at hnd po ako sasagot…ibbgay ko sa inyo ang respeto lalo na sa mga nakasama ko at naging kaibigan...


"Pero ung isa na nagsabi na sasampalin nya ko pag nagkaron ng face to face presscon…pls..TUPARIN mo po yan…para nmn maparamdam ko sayo ang tunay na SAMPAL NI KABANG na tiyak pag natikman mo magtatampo ang kaluluwa mo sa katawan mo."


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post