Sinampal ng walang dahilan at tinawag pang laos ang actress na si Ella Cruz ng kanyang classmate sa highschool nung siyang ay nag-aaral pa sa kanyang hometown sa Bulacan.


Ito ang ikinwento ni Ella sa digital presscon ng The Seniors noong Monday night, February 21, 2022. 

Ibinahagi ni Ella sa nasabing presscon ang ginawag pambubully sa kanya noon.

"To be honest, yung high school talaga ang pinakamagulo na parte ng buhay ko, isa sa mga magulong parte ng buhay, kasi dun ko na-experience na ma-bully ako.

"Siguro kung magtatanong kayo kung ano po yung mga na-bully sa akin, yung isa is maliit ako.


"Tapos, laos na artista raw ako kapag wala akong projects, sinasabihan ako ng mga ganoon," kwento ni Ella 

Bukod sa pambubully, ibinahagi rin ni Ella ang pagsampal sa kanya ng kanyang classmate ng walang kadahilanan.

"Sinasabi nila na nakakapasa lang kasi binabayaran ko raw yung mga teacher dahil lagi akong absent.

"One time, I’m just walking sa hallway, biglang kinorner po ako ng mga kaklase tapos bigla nila akong sinampal, out of nowhere, na walang reason talaga." sabi ni Ella 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post