Bigong makapasok si Rita Gaviola o mas kilala bilang "Bajao Girl" sa weekly finals ng #SexyBabe sa Its Showtime nitong Sabado.


Si Rita ay nakakuha lamang ng 89.7 percent average score na siyang pinakamababa sa limang naglabanlaban sa daily winners 

Samantala ang weekly winner na si Joanna Limbaro ay nakakuha ng 97 percent average score.

Sa nasabing patimpalak ay tinanong si Rita ni Vice Ganda: “Para sa iyo, sino ang mas mahilig sa tsismis, babae o lalaki, at bakit?”

Sagot ni Rita, “Para sa akin po, ang mahilig sa tsismis, yung mga babae. Kasi, alam niyo kung bakit? Isa na po diyan yung mga nanay natin. Di ba?


“Kasi, parang para sa akin, ayun nga po, 'yung mga babae. Kasi, yung mga babae, marami silang nalalaman, lalong-lalo na sa relationship.

“Kahit hindi nila nalalaman, ‘Yung dyowa mo, o, ayan, nambabae!’ Parang gumagawa sila ng way para may mapag-awayan.

“At lalo na po yung mga Marites, pag nakikita ka po nila, ‘Si ganito, si ganyan, yung anak mo!’ Parang… ang hilig nilang magtsismis na hindi naman nila alam yung totoong kuwento. Ayun po.”



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post