Binasag narin sa wakas ng actor na si Aljur Abrenica ang kanyang katahimikan kaugnay sa viral na larawan nila ni AJ Raval sa isang hotel sa Leyte nitong Valentines Day.


Iniintriga kasi ng maraming netizens ang nasabing larawan nila ni Aj.

Sa isang interview ng Cinema Bravo, inilahad ng actor na trabaho ang pinunta nila doon. Kumain lamang sila ni AJ sa resort at nagbihis din to freshen up.


"We were invited sa cooperatives… sa may Leyte. Trabaho yun e. Pupunta ako. Kumain lang kami doon [sa resort]. Tapos nagbihis lang to freshen up para sa show. Tapos, siyempre, Valentine’s, nagkataon lang, tapos picture. Tapos, ang dating parang ilang araw kami doon."

Samantala sa Facebook post ni AJ, ay sinhare niya ang post ng DORELCO. Makikita na nagkaroon ng isang blessing, inauguration at launching ng isang radio station kaya totoo ang sinabi ni Aljur na trabaho lang ang pinunta nila doon.

Maliban sa kanila ay nadoon rin sina sina ‘Tawag ng Tanghalan’ Season 2 Finalist Reggie Tortugo, at TV director at PTV4 anchor Cesar Soriano. 

Ayon sa post ng DORELCO: "Actor- Performer Aljur Abrenica and Actress AJ Raval visited DORELCO for the blessing, inauguration and launching of DYAL Radyo Kidlat 90.3 Light FM in DORELCO, Brgy. San Roque, Tolosa, Leyte, Monday, February 14,”

“The two joined in the cutting of the ribbon held right after the blessing of the radio booth of the station. They also rendered intermission number during the program.”

“With them are Tawag ng Tanghalan Finalist Reggie Tortugo and TV Director and PTV4 Anchor Cesar Soriano and Staffs of Great Czar Production.”  


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post