Diretsahang tinanong ng self proclaimed Pambansang Marites ng Pilipinas na si Xian Gaza ang kapamilya actress na si Angelica Panganiban kung siya ba raw ang "ibang babae" na pinuntahan ni Carlo Aquino.


Nagpost kasi sa kanyang Facebook account ang girlfriend ni Carlo na si Trina ng tungkol sa jowa na may ibang pinupunthang babae.

"You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya pag wala ka na sa kanya.Kung may pinupuntahan na agad na babae…Wag na kayo umasang mag babago pa yung jowa niyo na sakit sa ulo, hindi na yan mag babago" sabi ni Trina sa kanyang post 

Ngunit hindi pa malinaw kung para kanino ang nasabing post.


Samantala sa post ni Xian ay ibinahagi niya ang screenshot sa pagmessage niya kay Angelica.

Sabi niya: "Wala ng intro intro pa, Idol Angelica. Ikaw po ba yung pinuntahan ni Carlo Aquino after nilang mag-break ni Trina?" 

Binigyan rin niya ng choices si Angelica .

“A. Yes, B. No, C. I invoke my right against self-incrimination," sabi sa multiple choice ni Xian kay Angelica 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post