Viral at agad naging usap-usapan sa social media ang pagbabanta ng "Pambansang Boy Marites" ng Pinas na si Xian Gaza sa nagpakulong sa kay Lolo Narding Floro dahil lang sa 10kilo mangga.


Si Lolo Narding ay nakulong ng isang linggo matapos siyang pagbintangan na nagnanakaw umano ng mangga.

Kwento ni Lolo,  pinapitas lamang daw niya ang mga bunga ng puno ng mangga dahil sa kanyang pagkakaalam, nasasakupan iyon ng lupang pag-aari niya.

Ayon pa kay Lolo, siya ang nagtanim ng puno ng mangga na sinakop ng nagrereklamo nang magpalagay ito ng bakod.


Matapos itong mabalitaan ni Xian ay agad siyang nagpost sa kanyang social media account.

Binigyan niya ng babala ang nagsampa ng kaso kay Lolo at aniya ipapakilala niya raw ito sa buong Pilipinas.

“Doon sa taong nagsampa ng kaso kay Lolo Narding nang dahil lamang sa iilang mangga na kanyang pinitas, hahanapin kita. Kumapit ka na. Ipapakilala kita sa buong Pilipinas.”


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post