Usap-usapan ngayon sa social media ang tila pasaring ni Vice Ganda kay Lolit Solis kasunod ng post nito na umanoy si Vice na ang nagpapatakbo ng "Its Showtime" at nagbabago na raw ang ugali ng komendyante.


"Medyo alarming Salve iyon mga balita na nagpa power tripping si Vice Ganda. Balita na parang siya na ang nagpapa takbo ng Showtime, siya na ang nasusunod sa lahat ng galawa ng programa. Marami pang horror story na kumakalat sa pagbabago daw ng ugali ni Vice Ganda, at parang marami narin mga tao ang nasasaktan sa mga ginagawa daw nito." bahagi ng banat ni Lolit kay Vice Ganda 

Sa isang episode ng It's Showtime, ay nagbigay si Vice ng komento ukol sa mga Marites.

“Depende iyan sa mga sina-subscribe-an niyo, e, kung saan mo ine-expose yung sarili mo. Nakukuha mo yung energy na iyon kung yung mga sina-subscribe niyo, pinapanood, o binabasa, masasaya… gumaganda,” sabi ni Vice


“Pag sina-subscribe niyo, pinapanood niyo, pinapakinggan, pinaniniwalaan o binabasa yung mga pangit na chika, nakakapangit iyan. Kaya, di ba, ang mga pinakapangit na tao sa mundo yung mga Marites?” dagdag pa nito

“Kasi pagkatapos ng mga magnanak4w, Marites na iyon, e. Ganoon kapangit. Na-realize ko, lalo na nung end of 2021, parang masyado nating ginagamit yung term na Marites, akala ng mga tao cute iyon.” sabi pa ng komedyante

Sa huling banat ni Vice ay tila may pinasaringan ito: “Kaya ang daming nagpapaka-Marites kasi akala nila ay pag Marites, cute ka. No. Ang pangit ng Marites. After ng magnanak4w, krim1nal, Marites.”

Si Lolit nga ba ang pinasaringan ng komendyante? 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post