Nagvolunteer ang kapamilya actress na si Ryza Cenon na bayaran ang piyansa ng isang  80-anyos lolo na inaresto matapos raw itong magnakaw ng mangga.


Kwento ni Lolo Narding : “Pinapitas ko ‘yung isang puno ng manga wala pang sampung kilo, ang alam ko sakop namin. Noong binakuran nila, sinakop naman na nila pero tanim ko naman yun…” 

Hinuli si lolo Narding sa bisa ng warrant of arrest noong January 13 sa Barangay Bantog. 

“Ang gusto ko sana makipagsundo, maliit lang naman kasi na bagay, noong ibibigay ko yung bayad ayaw nilang tanggapin, ang sabi nila bayaran ko ng anim na libo…” dagdag pa ni Lolo Narding. 

Nang mabalitaan ito ng actress na si Ryza ay tila nadurog ang kanyang puso.


Ayon sa artikulo ng Pep.ph nagkusa raw si Ryza na siya na lamang ang magbabayad ng bail para makauwi na ang kaawa-awang matanda.

Nakikipag-ugnayan ang handler ni Ryza na si Caryl Ann Paraico nito lamang Miyerkules ng gabi, January 19, sa Asingan Police para sa tulong na ipinapaabot ng aktres kay Lolo Narding. 

Ngunit ayon sa PEP.PH wala raw sumasagot sa mga tawag niya sa telepono ng police station ng naturang bayan kaya humihingi sila ng tulong sa PEP.PH.

Samantala ayon sa reports, ang korte raw ay may inilaang piyansa  na nagkakahalaga P6,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nag-ambag ambag naman ang mga pulis sa Asingan para mabuo ang 6,000 pesos na pang-piyansa ni Lolo. Pero dahil Alert Level 3, hindi pa raw mapirmahan ang kanyang release paper. Sa ngayon, Ang Asingan Police ang nangangalaga sa lolo. 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post