Nagulantang si Asian songbird Regine Velasquez matapos magdonate ng kalahating milyon ang magdyowang Vice Ganda at Ion Perez para sa nasalanta ng bagyong Odette.


Nito lamang Linggo, Enero 9, si Regine ang tampok na artist sa benefit concert ng ABS-CBN upang makalikom ng tulong para sa mga kababayan nating hindi pa rin umano nakakabangon sa pananalasa ng Bagyong Odette bago sumapit ang Kapaskuhan noong nakaraang taon. 

Sa nasabing concert ay nanood si Vice at nagbiro pa si Regine na magdonate ng P100,000 para sa request nitong kanta.

Hanggang sa ibinunyag na ni Darla Sauler na magdodonate sina Vice at Ion ng P500,000.


"Woo, oh my gosh! oh my gosh! Bakla may gusto ka pa bang kanta?" ang tanging nasabi ni Regine matapos malamang ganoon kalaki ang dinonate nina Vice at Ion 

Panoorin dito:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post