Masayang ibinahagi ni Pinoy Big Brother winner na si Yamyam Gucong na magkakaroon sila ng baby girl ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Elaine Toradio.


Nito lamang Linggo, ni-reveal ni Yamyam sa kanyang post sa instagram sa pamamagitan ng pagpost ng ultrasound picture.

"Coming princess," ang caption niya sa pic.

Base sa larawan, noon pang Enero 5 nalaman ng nag-jowa ang kasarian ng anak.


Kabilang sa mga bumati kay Yamyam ang mga Otso housemates na sina Fumiya Sankai, Lou Yanong, at Andre Brouillette.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post