Binasag na rin sa wakas ni Markki Stroem ang kanyang katahimikan kanyang katahimikan kaugnay sa totoong relasyon nila ng mga actor na sina Piolo Pascual at Marvin Agustin na matagal nang inuugnay sa kanya.


Sa kanyang guesting nito lamang January 10, sa radio program ni Cristy Fermin na "Cristy Ferminute ay sinagot niya ang ilang katanungan ni Cristy.

Diretsahang tinanong si Marki kung ano raw ba ang masasabi niya sa naging isyu noon na mag-boyfriend umano sila ni Marvin?

“Si Marvin friend ko ‘yun, hanggang ngayon friend pa rin kami. And in my opinion it is our world, we can be friends with whatever we want to be and minsan were good friends, minsan hindi masyadong good friends, minsan hindi na kami okay, minsan okay pa kami in terms of relationship with different people,”sagot ni Markki 


“And in my opinion, I don’t really like to talk about my relationships with people in general, even ‘yung girlfriends whatever hindi ko binabanggit ang mga pangalan ng mga naging relationships ko because it’s not my story to tell,” dagdag pa niya 

Sunod naman na tinanong ni Cristy na kung ano naman daw ang ugnayan nila ni Piolo Pascual na minsan daw ay may naka-ispat sa kanilang sabay na nagja-jogging sa Bonifacio Glocal City (BGC) sa Taguig. 

“Ang dami-daming nagtetext sa akin na nakikita kayo ni Piolo Pascual sa BGC (Bonifacio Global City) na nagja-jogging. Lagi-lagi tuwing umaga ‘yan. Tinanong kita tungkol kay Marvin Agustin linawin na rin natin ‘yung kay PJ, magandang malinaw ‘yan,” sabi ni Cristy 


Ayon kay Markki, magkaibigan lang sila ni Piolo.

“Friends kami ngayon, friends din kami ni Marvin, friends din kami ng maraming mga actors but at the end of the day, let’s just say nowadays yung mga friends ko are outside of the industry.” 

"Hindi ako nakikipagkaibigan… minsan toxic for me. Actually, may mga friend din ako sa showbiz pero hi and hello lang… I mean nakita ko si Moira (Dela Torre) sa Cornerstone Christmas party hina-hug ko siya, hina-hug ko rin si Catriona (Gray).”

“Friends ko sila pero hindi kami sobrang close like katulad dati na lahat ng buhay ko is in the industry lang,”paliwanag ni Markki 



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post