Usap-usapan ngayon sa social media ang matinding banat ni Cristy Fermin laban sa komedyanteng si Vice Ganda.


Nag-ugat ang isyung ito nang akusahan ni Lolit Solis si Vice na umanoy nagpapatakbo ng Its Showtime at nagbago na raw ang ugali nito.

Bagay na itinuwid ni Jugs at sinabihan si Lolit na humanap siya ng ibang source dahil masayang-masaya raw sila sa Its Showtime.

Kasunod nito ay tila nagpasaring si Vice sa isang episode sa Its Showtime at binanatan niya ang mga Marites. 

Aniya, ang mga pinakapangit na tao sa buong mundo ay mga ‘Marites’ o chismosa. Akala raw ng mga tao ay nakaka-cute ang pagiging Marites, ngunit ang totoo raw, ka-level ito ng mga magnanakaw at kriminal. 

Wala mang binanggit na pangalan ngunit tila nagalit si Cristy Fermin sa mga pahayag ni Vice.

Maging ang sweet post ni Vice kasama ang boyfriend niyang si Ion Perez ay pinansin na rin ng Cristy at sinabihan si Vice na itigil ang pag po post nito. 


“Huwag kang nagiging balat sibuyas kung kasing kapal na ng repolyo ang mukha mo. Nagbabalat sibuyas ka pa, nagagalit ka pa kapag ang Marites pinagpipistahan ka. E bakit ka magagalit, dun lang naman sila kumukuha sa post mo?” sabi ni Fermin 

“Kung gaano ka kayaman, sino binilhan mo ng bahay, anong nabili mo ay kung paano kayo magmahalan ni Ion Perez. 

“Anong malay ng publiko sa buhay mo? Sa ‘yo yan nanggagaling kaya huwag nagbabalat sibuyas kung kasing kapal ng kung ano anong gulay ang mukha,” tirada pa ng matanda. 


“Labas siya nang labas ng ganyang mga items dahil gusto niyang maramdaman na nasa gitna pa rin siya ng entablado at siya ay kailangan pa ng publiko. Tigilan mo yan. Ang makakapagpagaling lang sa sakit [na nararamdaman] mo, ikaw mismo. 

“Wala kang sakit na mararamdaman mula sa mga sa mga Marites. Ikaw ang nagbubukas ng pintuan ng buhay mo. Isarado mo yan, wala kang mababasang kahit na ano,” sabi pa niya






Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post